Friday, February 3, 2012

After graduation: Plans and ambitions

     Graduation? Wow! Ang saya nun pag graduation na, tapos na lahat ng pagod sa school. Wala ng iisiping projects na hindi ma-tapos tapos kahit makaltasan ng grades, exams na hindi mo malaman ang isasagot pag hindi ka nagreview at higit sa lahat wala ng THESIS na sa pagiisip pa lang ng title eh pahirapan na. haha! Pwede na muna mapapetiks petiks. Pero sabi nila after graduation daw mamimiz mo din ang school, ang pag-aaral at syempre pati na din ang mga instructors at mga naging kaibigan mo sa school na minsan mas madalas mo pang makasama kesa sa mga kasama mo sa bahay. And ako, syempre naman hindi ko sila mamimiss. Hehe.. joke lang. Mamimiss ko yun lalo mga kaklase kong magugulo. :)
      After graduation gusto ko makpaghanap ako agad ng trabaho. Kasi baka pag tumambay pa tamarin na ko. Hehe pero di naman ako tatamarin gusto ko na kaya maranasan na magkaron ng sarili kong pera. Siguro dun muna sa mga hindi masyado mahirap yung ginagawa, yun tipong mag papasanay lang muna paunti-unti sa pagtatrabaho, pero kung may makukuha agad na bigtime na work why not d ba sayang naman kung pakakawalan pa.. Gusto ko din mag work sa ibang country one time, ma-experience lang and mas maganda kasi ang rate ng sweldo dun. Then plan ko na magipon ng sariling pera paunti-unti and natulong din sa mga gastusin dito sa bahay at the same time, kasi gusto ko talaga na tulungan si mama sa mga gastusin para din a mamroblema. Bait ko.. haha. 
     Gusto ko din na magawa ko naman na bumili ng mga luho ko gamit yung sarili kong pera, yun tipong ako mismo naghirap para magkapera. Tutal hindi ko pa naman balak mag-asawa agad nuh. hehe dahil may mga ambitions pa kong gusto gawin para sa sarili at sa pamilya ko. Hindi naman siguro magagalit nun si myrone. Haha. Isa na sa mga ambition ko is makabili ng sarili kong bahay na may kotse, at mga gadgets na gusto ko. Bigtime diba.. hahah. Pero bago ko makuha yang mga yan, kelangan ko muna magtrabaho ng magtrabaho at magipon ng magipon. Sabi ni papa magtrabaho daw ako as a Navy, pero computer pa din daw ang hahawakan. Grabe naman! Hindi ko ata kakayanin un. Baka may training din yung mga yun, jusko naman hindi kakayanin ng buto ko! Haha. Tska babae ako maiintindihan naman ako kung hindi ko gustuhin yun.. :> Then after siguro makapagipon at medyo tumatanda na pwede na siguro makapagtayo ng own business para hindi na ako yung sswelduhan, ako naman yung magpapasweldo. Tska para ako masusunod sa gusto kong schedule. Wow.. Plan and ambitions after graduation lang pinaguusapan, ang layo na ata ng nararating ko. Hahaha! Wala na ko maisip ilagay eh maka 500 words lang. How I wish magawa ko lahat ng yan. So, ano paba sasabihin ko. Sa ngayon, yan na lahat ng gusto ko mangyare after graduation and part din ng plan and ambition ko na makasama si myrone after graduation at marami pang years.(yiiieee!) =^_^=



Links:







*******************
elauria, kenberlyn
200910286
***************

No comments:

Post a Comment